Hindi dapat biglaan ang gagawing pag-lift o pag-alis ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa bansa laban sa COVID-19.
Ito ang inihayag ni COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. matapos na mapakinggan ang suhestiyon ng mga medical at science experts.
Sinabi ni Galvez, dapat ay dahan-dahan o calibrated ang lifting ng quarantine.
Aniya, kahit na raw naabot na ang peak ng mga bagong kaso ng COVID-19, hindi pa rin dapat na magpaka-kampante ang publiko.
Mahalaga pa rin, aniyang, sumunod ang lahat sa mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, gawin ang physical distancing at mga iwasan ang paglabas ng bahay.
Kinatatakutan, aniya, ngayon ng mga eksperto ang tinatayang na second wave katulad ng nangyari sa Singapore dahil mas dumadami ang kaso ng COVID-19.