Manila, Philippines – Mula sa 22 na kaso noong 2015, tumaas sa 33 mga nagpopositibo sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) ang naitatala ng Department of Health (DOH) kada araw simula nitong 2018.
Ayon kay Health Assistant Secretary Lyndon Lee Suy, wala mang lunas ay maaari namang mapigilan ang paglala ng HIV na pwedeng mauwi sa Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).
Oras na magpositibo sa HIV, dapat aniya ay regular ang pag-inom ng Antiretroviral (ARV) drugs at ang pagpapanatili ng healthy lifestyle.
Tiniyak naman ni Lee Suy na inaayos na ng DOH ang mga guidelines sa pagsusuri sa pasyente at paraan ng pagbibigay ng mga gamot.
Nasa trial stage na rin aniya ang bansa sa “pre-exposure prophylaxis” sa HIV/AIDS, o ang gamot na iniinom bago pa magkaroon o ma-expose sa virus para mabigyan ng proteksiyon ang isang tao laban sa HIV.