Manila, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) –
Epidemiology Bureau ng higit 1,000 kaso ng Human Immunodeficiency Virus
(HIV) sa unang buwan ng 2018.
Sa datos ng HIV and AIDS Registry of the Philippines (HARP), nasa 1,021
cases na ang narekord, mataas kumpara sa kaparehas na panahon noong 2017 na
nakapagtala lang ng 834 cases.
Lumalabas sa report na 33 tao ang nada-diagnosed ng HIV bawat araw nitong
Enero.
Karamihan sa mga nakakuha ng HIV ay mga lalaki na nasa 97%.
Pagkikipagtalik pa rin ang pangunahing dahilan ng pagkakahawa ng sakit.
Nasa 30 naman ang namatay dahil sa sakit.
Ang National Capital Region (NCR) pa rin ang may pinakamataas na kaso ng
HIV na sinundan ng Calabarzon, Central Luzon, Central Visayas at Western
Visayas.
Sa ngayon, nasa higit 51,000 HIV cases na ang naitala mula pa noong 1984.