Manila, Philippines – Tumaas pa ang bilang ng kaso ng leptospirosis sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH) mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, nasa 1,040 cases na ang naitala.
Mas mababa ito kumpara sa 674 cases noong kaparehas na panahon ng 2017.
Ang mga rehiyon na may pinakamataas na kaso ng leptospirosis ay sa Zamboanga Peninsula, Caraga, MIMAROPA, ARMM at Western Visayas.
Sa Metro Manila, mayroon ng 261 kaso na naitala mula nitong Hulyo a-uno kung saan 40 na ang namatay.
Handang maglaan ang DOH ng limang milyong piso para sa gamot at medical supplies.
Facebook Comments