TUMAAS | Bilang ng mga namatay dahil sa leptospirosis, umakyat na sa 73

Manila, Philippines – Umabot na sa pitomput tatlo ang patay dahil sa leptospirosis ngayong taon.

Base sa record ng Department of Health (DOH) – 561 na ang naitalang na-ospital dahil sa nasabing sakit.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ang naitalang kaso ng leptospirosis ngayon ay mas mataas na ng 275 percent kumpara noong nakaraang taon.


Sinabi ni Duque na maituturing na high-risk sa nasabing sakit ang mga taong nakatira sa mga lugar na laging binabaha.

Maging ang mga nagtatrabaho sa disaster preparedness at lagi ring lumulusong sa baha.

Kaya naman payo ni Duque sa publiko na agad magpatingin sa ospital kapag nakaranas ng sintomas ng leptospirosis.

Facebook Comments