Manila, Philippines – Kinalampag ni Bagong-Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera-Dy ang gobyerno na aksyunan na sa lalong madaling panahon ang pagtaas ng bilang ng mga nakakasakit ng HIV-AIDS.
Sa nakalipas na dalawang buwan pa lamang, umabot na sa 1,892 ang bilang ng mga nagpositibo sa sakit kung saan 304 sa mga ito ay nasa advanced stage ng HIV-AIDS.
Ayon kay Herrera-Dy, isa sa pangunahing may-akda ng Philippine HIV and AIDS Policy Act, panahon na para i-update ng gobyerno ang programa para sa HIV-AIDS.
Pinamamadali na rin ng kongresista na pagtibayin na rin ng Senado ang kanilang sariling bersyon ng panukala matapos na aprubahan na ito sa Kamara.
Pinakikilos na rin ang Department of Health (DOH) para pabilisin sa Senate Committee on Health na pabilisin ang proseso ng pagapruba sa panukala para sa HIV-AIDS policy.