
Manila, Philippines – Kinumpirma ng National Economic and Development Authority (NEDA) na dumoble ang inflation sa Metro Manila ngayong 2018 kumpara noong 2017.
Bukod sa mataas na presyo ng mga bilihin, kasama rin raw dito ang pagtaas ng renta sa bahay, tubig, kuryente, gasolina at pamsahe.
Itinanggi naman ng NEDA na sa kanila nagmula ang kuwenta na P42,000 ang living wage o sahod na sapat para mabuhay ang isang pamilya, na basehan ng mga labor group sa pagkalkula ng mga hinihinging dagdag sahod.
Tantiya lang anila ito ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia at hindi base sa pag-aaral.
Facebook Comments









