TELCO INDUSTRY | Pagpasok ng 3rd telco player, posibleng maudlot

Manila, Philippines – Nanganganib na muling maudlot ang pagpasok ng ikatlong telco player sa bansa.

Ito ay matapos maghain ng reklamo ang now telecom na isa sa mga bidder para sa ikatlong telco player sa bansa.

Ayon kay Atty. Aldrich Uy, legal counsel ng Now Telecom, may mga dagdag na hininging bayad ang Department of Information and Communications Technology o DICT na hindi naman bahagi ng nauna nilang napag-usapan.


Nilinaw rin ni Uy na paglilinaw naman ng Now Telecom, wala silang intensyon na i-delay ang transaksyon.

Pero giit ni DICT Secretary Eliseo Rio Jr., naayon sa international standard ang proseso ng pagpili ng ikatlong telco player sa bansa.

Giit ni Rio, highest committed of service ginagamit para mapili ang bagong telco player.

Nabatid na sa Nobyembre sana target pangalanan ng DICT ang ikatlong telco sa bansa.

Facebook Comments