Manila, Philippines – Base sa pinakahuling datos, nasa 62, 632 kaso na ng Dengue ang naitala ng Department of Health sa buong bansa. 2% na mas maatas kumpara sa 61 libo na naitala ng DOH sa kaparehong mga buwan noong 2017.
Partikular na tinukoy ni Health Secretary Francisco Duque III, ang Ilocos Norte na nakapagtala ng mataas na kaso ng Dengue.
Gayunpaman, kumpiyansa ang kalihim na alam ng mga LGUs ang dapat silang gawin sakaling makaranas ng Dengue outbreak sa kanilang lugar.
Nagpapatuloy rin aniya ang 4s campaign ng DOH at mayroon na ring mga LGUs ang nagpapausok sa kanilang mga nasasakupan para mapatay ang mga lamok na may dalang Dengue virus.
Facebook Comments