SWS SURVEY | Very good net satisfaction rating ng Administrasyon – ikinatuwa ng Malacañang

Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng MalacaƱang ang resulta ng 2nd Quarter survey ng Social Weather Station o SWS kung saan lumalabas na marami parin ang satisfied sa general performance ng Administrasyong Duterte.

Batay sa Survey ng SWS ay lumalabas na nakakuha ang administrasyon ng Very Good o +58% na net satisfaction rating, 72% ang satisfied sa general performance ng Adminsitrasyon, 15% ang undecided at 13% naman ang hindi satisfied.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mananatiliong nakatutok si Pangulong Rodrigo Duterte sampu ng kanyang gabinete na tuparin ang mga pangako sa mamamayan.


Binigyang diin ni Roque na hindi magsasawa ang pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Duterte na labanan ang iligal na droga, krimenalidad, katiwalian at bigyan ng maginahawang buhay ang mga Pilipino.

Facebook Comments