Manila, Philippines – Mas mataas ng 41% ang kabuuang bilang ng Leptospirosis ang naitala ng Department of Health sa unang anim na buwan ng 2018 kung ikukumpara noong 2017.
Base sa datos ng DOH, mula January 1 hanggang June 9 ngayong taon, nasa 1,030 na kaso ng Leptospirosis ang kanilang naitala, 93 dito ay nasawi.
Karamihan sa mga naitalang kaso ay nagmula sa Western Visayas (221), Caraga (162), and Region XI (86).
Kaugnay nito, muli namang nagpaalala ang Department of Health sa publiko na umiwas sa paglusong sa baha ngayong tagulan, upang hindi makaiwas sa mga sakit lalo na sa Leptospirosis.
Facebook Comments