Manila, Philippines – Nagsimula nang sumipa ang presyo ng mga paputok sa Bulacan habang papalapit ang bagong taon.
Mula sa dating P2.50, pitong piso na ngayon ang presyo ng kada piraso ng kwitis habang ang sawa na P125, P250 na ngayon.
Resulta raw ito ng mababang suplay ng mga paputok sa kabila ng mataas na demand.
Ayon kay Bulacan Provincial Fire Marshall C/ Insp. Stephen Requina – nabawasan kasi ang mga gumagawa ng paputok na nag-renew ng kanilang lisensya ngayong taon.
Kasunod na rin ito ng executive order na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Hunyo na nagre-regulate sa paggamit ng pyrotechnic products.
Facebook Comments