SUNOG | 11 bahay, natupok sa Alabang, Muntinlupa

Alabang, Muntinlupa – Labing-isang mga bahay ang nasunog sa isang residential area sa Alabang, Muntinlupa.

Alas-otso kaninang umaga nang magsimula ang sunog sa Mendiola Street na agad itinaas sa ikatlong alarma dakong alas 8:23.

Alas 9:04 na nang maapula ang apoy.


Wala namang nasugatan sa insidente.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog at kabuuang pinsala nito.

Facebook Comments