Manila, Philippines – Binaha ang kahabaan ng EDSA-Pioneer, hindi dahil sa ulan kundi dahil sa tumagas na tubig mula sa tubo ng Manila water.
Bukod sa nakadagdag sa bigat ng daloy ng trapiko, apektado rin maging ang dumadaan sa lugar.
Naglagay na lang ng mga kahoy at upuan para makatawid ang mga papasok sa kanilang trabaho.
Paliwanag ni Dittie Galang, Communications Planning and Tactical Development Manager ng Manila water – noong Lunes pa nagkaroon ng leak ang kanilang tubo at sinimulan itong gawin kagabi.
Hindi natapos ang pagkukumpuni kaya inabutan na raw sila ng malakas na pressure ng tubig kaninang umaga.
Hindi naman aniya mahinahan ang pressure dahil mataas ang demand sa tubig ngayon.
Ang sirang tubo ay service line ng isang mall at motel.
Facebook Comments