Tumagilid na tore ng NGCP sa Alabang, naitayo na

Manila, Philippines – Naitayo na ngayong araw ang tumagilid na transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Alabang, Muntinlupa City tatlong araw matapos ang insidente.

Alas-5:00 ng umaga nang maitayo ang transmission tower matapos ang magdamagang trabaho kung saan tuloy-tuloy pa rin naman ang pagkukumpuni dito.

Tumagilid ang tore nung miyerkules matapos lumambot ang bakal sa ibabang bahagi nito sanhi ng sunog sa kabahayan sa ilalim.


Nagdulot naman ito ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa South Luzon Expressway kung saan bahagya din sumikip ang daloy ng trapiko kaninang umaga dahil sa nasabing pagsasa-ayos ng tore.

 

Facebook Comments