Quinta Market, binuksang muli sa publiko

Manila, Philippines – Binuksan na ang dating dinemolish na Quinta Market sa Quaipo, Maynila matapos ang halos dalawang taon.

Masaya na ang mga dating nagrereklamong vendor dahil nakakuha sila ng pwesto sa bagong ayos na palengke.

Nabatid na ginastusan ito ng market life ng P150,000.00 para pagandahin at ayusin ang nasaibing palengke.


Sa halos 279 na lehitimong vendor ng dating Quinta Market, lahat ng mga ito ay nabigyan ng pwesto at hindi din tinaasan ang bayad sa mga renta.

Napag-alaman pa na hindi na din ito pinapasok ng tubig at palagi itong nililinis kung saan mala-mall na din ang comfort room nito, food court, restaurant at may libreng Wi-Fi.

Facebook Comments