Isa sa Dalawang Suspek na Gumahasa ng Dalaga at Nakapatay sa Ramon Isabela, Tuluyang Nahuli at Napatay Matapos Manlaban sa mga Pulis!

13963

Ramon, Isabela – Nahuli at napatay kahapon ang isa sa dalawang suspek na gumahasa at nakapatay kamakailan matapos na manlaban sa mga kasapi ng PNP Ramon sa Purok 7 Brgy. San miguel, Ramon, Isabela.

Ang naging wanted sa batas at pinatungan sa ulo ng Php50,000.00 para sa agarang pagkakahuli nito ay si Rolly Amayad Iguid na residente ng Bantay, Paracelis Mountain Province.

Sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Police Provincial Office, unang itinawag ng isang concerned citizen sa tanggapan ng Ramon Police Station ang umano’y prisensya ng dalawang lalaki sa lugar na nakasakay ng hinihinalang karnap na motorsiklo at may mga hawak na baril.

Dahil dito ay kaagad na nagkasa ng checkpoint operation ang mga kapulisan partikular sa Brgy. Aguinaldo sa pangunguna ni SPO4 Aldrin Galay kung saan ay nakita dito ang kaparehong pagkakakilanlan ng dalawang lalaki na nakasakay ng motorsiklo.

Ngunit pagkalapit umano ng mga suspek sa mga pulis ay tumakas ang mga ito at tinungo ang kanal ng irigasyon sa nasabing lugar na nagawa pang paputukan ng backrider ang mga alagad ng batas.

Dahil dito ay gumanti ang mga pulis sa mga suspek at natamaan naman ang backrider kung saan ay si Rolly Iguid, samantalang nakatakas umano ang sugatang kasama nito.

Ikinasa narin ang hot pursuit operation para sa agarang pagkakahuli ng isa pang sugatan na suspek  sa mga lugar na maaring takbuhan nito.

Kaugnay nito, sa imbestigasyon ng SOCO team sa lugar ay narekober ang isang unit ng Pietro Berreta caliber 9MM pistol na may lamang 13 na bala; dalawang piraso ng ng fired cartridge cases ng caliber 9MM; isang itim na sling bag na may lamang Php22,268.00;isang cellphone at isang pakete ng hinihinalaang marijuana leaves.

Dinala na sa Agustin Funeral Homes ang bangkay ni Iguid para sa post morterm examination habang ang mga narkober na mga ebidensya ay nasa Santiago City Laboratory Office.

Facebook Comments