Tumakas na Kasama ng Na-checkpoint at Napatay na Suspek sa Ramon, Isabela, Isang CAFGU Member Ayon kay Major Jefferson Somera!

*Cauayan City, Isabela- *Kinumpirma ni Major Jefferson Somera, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th Infantry Division, Philippine Army na isang CAFGU Member ng 77th IB, 5th ID, PA si Jestoni Occas Bungan na tumakas matapos ma-checkpoint ng PNP Ramon kasama ang matunog na pangalan ni Rolly Amayad Eguid na nanlaban at napatay ng PNP kamakailan sa brgy San Miguel, Ramon, Isabela.

Ayon kay Major Somera, Handa nilang ipasakamay sa pamunuan ng PNP Ramon si Bungan para sa kinakaharap nitong kasong Carnapping matapos macheckpoint at mapag-alamang carnapped ang kanyang minamanehong motorsiklo kasama ang angkas na si Rolly Eguid.

Sa ngayon ay sinisiyasat pa ng 77th IB ang hinggil sa pagkasangkot nito sa Checkpoint kasama ang napatay na suspek na si Rolly Eguid.


Kaugnay nito ay Inaalam na rin ng mga otoridad kung si Bungan rin ang nakasama ni Eguid sa pagsasagawa ng krimen sa bayan ng Ramon, Isabela kung saan tinangkang gahasain ni Eguid ang isang dalaga, binaril ang sumaklolong kuya nito at tinangay ang mga cellphones ng mga customer ng binabantayang Computer shop ng mga biktima.

Samantala, dahil sa patuloy na hot pursuit operation ng PNP Ramon ay nahuli sa isang pagamutan sa Paracelis, Mt. Province si Jestoni Bungan nagpapagamot dahil sa natamong tama ng baril sa bahagi ng kanyang paa matapos itong tumakas.

Facebook Comments