Nasa 15 train sets ang napapakinabangan na ng mga mananakay ng Metro Rail Transit (MRT) Line-3 matapos itong unang magpatupad ng limitadong kapasidad simula nang magbalik operasyon ito noong nakaraang linggo.
Kasunod naman ito ng mas maraming train drivers ng rail line na nag-negatibo sa COVID-19 matapos ang isinagawang RT-PCR mass swab testing sa lahat ng empleyado nito.
Mananatili pa rin sa 30% ang passenger capacity ng mga tren ng MRT-3, na may katumbas na 124 na pasahero kada train car o 372 na pasahero kada train set.
Sa ngayon, tanging mga empleyado na nag-negatibo sa COVID-19 ang pinapayagang pumasok sa depot office at sa mga istasyon.
Patuloy naman ang mahigpit na pagpapatupad ng mga health and safety protocols, kabilang na ang 7 Commandments kontra COVID-19.