Manila, Philippines – Ipinasara ng Food and Drug Administration (FDA) ang klinika ng kilalang Celebrity Dermatologist na si Vicki Belo sa Muntinlupa City dahil sa paglabag umano sa Food, Drug and Cosmetics Act.
Ito ay matapos tumangging isailalim ng kumpaniya sa inspeksyon ang 11 Beauty Products na hindi rehistrado sa FDA.
Nabatid na nagbebenta sila ng mga mislabeled cosmetic products, kung saan huli sa isang CCTV footage ang pagkuha ng cashier mula sa kanilang pharmacy ng isang produktong nagkakahalaga ng P22, 000.
Ayon sa FDA, hindi dumaan sa registration process ng tanggapan ang mga nasabing produkto kung kaya hindi otorisado ang Belo Clinic na ibenta ito.
Dapat din daw na dumaan muna sa certification ng FDA ang anumang drug at cosmetic products para masiguro ang kaligtasan ng publiko kapag ginamit ito.