Ito ay matapos umapaw ang tubig sa Reina Mercedes Main Canal (RMMC) dahil sa mga nakabara sa daluyan nito.
Sa nakuhang impormasyon mula sa MARIIS D4, nadiskubre ni Ginoong Happy Mario B. Santos, Water Resources Facilities Operator B na may nakabara sa main canal ng Reina Mercedes noong Agosto 5, 2022.
Sa ginawang imbestigasyon nila Engr. Gerardo A. Pasco, Head Operation & Maintenance Section, at ni Engr. Jeffrey A. Taylan, Supervising Engineer A, napagalamang may halos walong pulgadang kapal ng tumigas na semento sa bungad at sa loob ng nasabing istraktura na dahilan ng di pag daloy ng tubig palabas sa 15 metrong habang box culvert sa RMMC.
Tatlong Irrigator’s Association kabilang ang Centro RM IA, Reina Salvacion IA, at parte ng Mansibang IA ang naapektuhan at mayroong kabuuang 223 ektarya ng palayan at humigit kumulang 150 na magsasaka ang naperwisyo sa insidenteng ito.