SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT NG CCNHS, IHIHIWALAY NA

Magiging hiwalay na ang pamunuan ng dating Senior High School Department ng Cauayan City National High School.

Ang naturang departamento ay tatawagin ng Cauayan City Stand Alone Senior High School na pamumunuan ni Ginoong John R. Mina, Principal ng nasabing paaralan.

Ito ay naaprubahan para maging ganap ng independent noong Hulyo 22, 2022 kung saan ito ay magkakaroon ng sariling pamunuan at sistema ng pamumuno at patakaran.

Inaasahang mayroong mahigit 3,000 na estudyante ang papasok sa naturang paaralan ngayong darating na pasukan.

Kaugnay nito, nagkaroon din ng reshuffle ng lahat ng pinuno ng dalawang paaralan dahil sa pagbabago.

Facebook Comments