TUMIGIL NA | Speaker Alvarez, may bwelta sa mga taga-suporta ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno

Manila, Philippines – Binweltahan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang kampo ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Apela ni Alvarez sa kampo ni Sereno, tigilan ang mga pahayag na dahil may `personal grudges` si Associate Justice Teresita de Castro kaya gumaganti lamang siya sa Chief Justice.

Giit ni Alvarez, huwag aniyang gamitin na dahilan ito sa halip ay sagutin dapat ni Sereno ang mga testimonya ng mga saksi laban sa kanya.


Hindi na rin aniya maitatanggi na nakikita na ng publiko na totoo ang mga alegasyon laban kay Sereno dahil isa-isang napapatunayan ito.

Dagdag pa nito, isa-isang tumetestigo laban sa Chief Justice ang mga taga Korte Suprema patunay na may bigat ang mga paratang kay Sereno.

Facebook Comments