TUMIRIK | Aberya sa MRT-3, muling naranasan

Kahit bisperas ng Bagong Taon, hindi pa rin nakaligtas sa aberya ang Metro Rail Transit – 3.

Mag-a-alas syete kaninang umaga nang tumirik ang isa nitong tren sa southbound lane sa pagitan ng North Avenue hanggang Taft Avenue dahil sa signaling problem.

Dahil dito, nagpatupad ang lahat ng istasyon ng crowd control at ticket refund sa mga pasaherong hindi na tutuloy ng pagsakay sa tren.


Alas 7:59 na nang maibalik sa normal ang operasyon ng MRT.

Facebook Comments