TUMIRIK | MRT-3, nagkaaberya sa Santolan station; 500 pasahero, ibinaba

Manila, Philippines – Muli na namang naudlot ang biyahe ng isang tren ng MRT-3 dahil sa aberya.

Bandang 11:53 nang ibaba ang nasa 500 na pasahero sa Northbound ng Santolan-Annapolis station dahil sa bumigay na Braking System na dulot ng depektibong electrical at braking sub-components nito.

Agad na dinala sa MRT-3 depot ang nagkaaberyang tren habang nailipat agad sa sumunod na tren ang mga pasahero pagkalipas ng apat na minuto.


Facebook Comments