Pinapakilos ni Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Panfilo Ping Lacson ang Dangerous Drugs Board o DDB para alamin kung lumala o nareresolba na ang problema ng bansa sa ilegal na droga.
Ayon kay Lacson, kailangang maberipika ng DDB ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas lumala pa ang problema sa ilegal na droga kahit may umiiral na war on drugs.
Ayon kay Lacson sa pambansang budget ay pinalaanan niya ng 70-million pesos ang DDB para magsagawa ng survey sa tunay na estado ng ilegal na droga sa bansa dahil magkakaiba ang pigura na lumulutang hinggil dito.
Sa tingin ni Lacson ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ay dahil sa dami ng nasasabat na coccaine at shabu ngayon at mga nahuhuling sangkot sa ilegal na droga.