Tunay na estado sa suplay ng asukal sa bansa, sa Disyembre pa malalaman ayon kay DA Usec. Domingo Panganiban

Sa Disyembre pa malalaman ang tunay na sitwasyon ng suplay ng asukal sa bansa.

Ito ang inihayag ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Domingo Panganiban sa isang panayam kaugnay sa usapin ng kakulangan ng suplay ng asukal.

Ayon kay Panganiban, posible kasing ilabas ngayong linggo ng mga trader ang nabili nilang asukal mula sa mga sugar miller.


Kaya sa kanyang pagtataya aniya nasa dalawa hanggang tatlong buwan pa bago malaman ang estado ng asukal.

Kasabay nito, itinanggi rin ni Panganiban na sinabi umano ni Pangulong Bongbong Marcos ang pag-aangkat ng 600,000 metriko tonelada ng asukal.

Facebook Comments