Pambato ng Pilipinas sa 2022 Asean Grand Prix, bigong manalo kontra Thailand

50
Photo Courtesy: SMM Volleyball

Nilampaso ng host country na Thailand ang mga pambato ng Pilipinas sa opening event ng women’s volleyball tournament na 2022 Asean Grand Prix kahapon.

Ito ay matapos ma-sweep ng Thailand ang tatlong sets kontra Pilipinas sa score na 25-17, 25-22 at 25-12.

Pinangunahan ni Pimpichaya Kokram ang Thailand na nagtala ng 17 points habang pinaulanan ni Ajcharaporn Kongyot ng tatlong straight points ang katunggali upang maalis ang lugi ng kanilang koponan sa second set.


Pinangunahan naman ni Tots Carlos ang Creamline Cool Smashers ng Pilipinas na nagtala ng 11 points habang nagpakitang-gilas si Jema Galanza sa second set kung saan nagtala ito ng lima sa kabuuan nitong walong puntos.

Samantala, na-sweep din ng Vietnam ang kanilang panalo kontra Indonesia matapos makuha ang unang tatlong sets sa score na 25-23, 25-19 at 25-9.

Ngayong araw ay maghaharap naman ang Indonesia at Thailand habang susubukan masungkit ng Pilipinas ang panalo sa laro nito kontra Vietnam.



Facebook Comments