Pangulong Duterte, pinagbibitiw ng mga manggagawang Pilipino

793

Nagkaisa ang mga labor group sa kanilang panawagan na magbitiw na sa kanyang pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, kinukwestyon ng mga manggagawang Pilipino kung mayroon pa bang pagbabago sa Duterte administration dahil sa bukas ay ikalawang Mayo Uno na ng mga manggagawa sa ilalim ng pandemya at ikalawa sa huling Labor Day naman sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Iniisa- isa ng mga manggagawa ang kanilang katanungan kabilang na kung may tsansa pa ba ang pagbabago, ang laban sa COVID-19 at economic recovery ng bansa.


Kung ang manggagawa raw ang tatanungin ang kanilang sagot ay ENDOterte.

Facebook Comments