Tunay na pagbabago, malayo pa sa ipinangako ng Pangulo-kongresista

Manila, Philippines – giniit ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao na malayo pa ang sinasabing tunay na pagbabago katulad ng ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang taon na panunungkulan ng Pangulo, malayo pa aniyang maramdaman ang mga pagbabago.

Sinabi ni Casilao na gatuldok pa lamang ang pag-abot sa mga accomplishments sa mga proyekto at mga ipinangako noon ni Duterte na karamihan ay naka-pending pa rin.


Giit ni Casilao, nakakalugod naman ang ilan sa mga nagawa ng Pangulo tulad ng libreng irigasyon at suporta sa mga magsasaka, pagbabalik sa multi-bilyong pisong coco-levy fund, pagpapahinto sa importasyon ng bigas at iba pang tulong sa mga local farmers.

Pero, hinihintay pa rin nilang mga magsasaka ang aktwal na pagbabago at hindi lamang ang puro pangako.

Marami aniya sa mga panukala para sa mga local farmers ang nakatengga lamang sa Kamara at hindi naman sinertipikahang urgent ng Pangulo.

Ilan lamang sa mga itinuturing na “saving-grace” sa isang taong pamumuno ng Pangulo ay ang pagpapatuloy sa NDFP peace talks at pagkakatalaga sa ilang militanteng opisyal sa mga mahahalagang posisyon sa gobyerno.

Facebook Comments