Davao City – Sa halip na sa koral, aba ay beybing-baby sa loob ng bahay ang isang baboy sa Davao City.
Ang baboy na si “Igat” ay alaga ng pamilya Andrade at itinuturing na rin daw nilang kapamilya.
Ayon kay Mrs. Andrade, parang anak na ang turing niya kay igat na araw-araw pa niyang pinaliliguan at hindi pinapakain ng tira-tira.
At ngayong summer, paborito raw meryenda ng baboy ay ice candy at minsan ay kusa pang nagbubukas ng ref para magpalamig!
Iginagala rin nila sa park si Igat suot ang kanyang balabal at flower hat.
Malaki rin naman daw ang pakinabang nila kay Igat dahil bukod sa nagsisilbing security guard sa gabi ay itinuturing din siyang stress reliever ng pamilya.
Katunayan, simula raw nang alagaan nila si Igat ay mas lalo pang nagbuklod ang kanilang pamilya.