TUNGHAYAN: Kakaibang Halloween costumes na bumida ngayong 2019

5761

Buwan na naman ng Nobyembre at ipagdiriwang nating muli ang Holloween. Kada taon, nagpapasikatan rin ang mga Pinoy sa kanya-kanyang nakakikilabot na mga costumes kapag nagti-trick or treat. Sa paglilibot sa mga kabahayan para mangolekta ng mga tsokolate at kendi, tunay na mamamangha ka sa kanilang nakakatakot na istura.


Tunghayan natin ang ilan sa mga bumidang kasuotan, hindi lang dahil sa nakakikilabot nitong awra kundi maging sa kakaibang konsepto nito na tunay na makakapagpatindig ng iyong balahibo na puno rin ng katatawanan at kalokohan.

BABAE SA KABAONG
Agaw-pansin ang litratong ito na ibinahagi ng facebook user na si Antonio Aguirre kung saan makikita ang babaeng nakatayo habang hawak ang kabaong kung saan nakahiga ang isang batang babae.

(Photo: Antonio Aguirre Facebook)

ANAK NG KAPRE
Kakaiba rin ang istilo ng mga kabataang ito dahil sa agaw-atensyong itsura ng isang batang itim na itim na sinasabi pang anak raw ng kapre.

(Photo: Patama Lines Facebook)

Marami ang nagbigay ng nakakatawang reaksyon sa naturang larawan kung saan may mga nakapagsabi pang “effortless” ang ginawang costume ng bata dahil uling at diaper lamang ang ginamit nito para magmukhang anak ng kapre.

ALYAS LINDA
Kakaiba rin ang ginawa ng nanay na si Shy Ongoco Toribio kung saan ibinahagi nito ang larawan ng anak suot ang isang simpleng damit na mayroong balot ang mukha, at saka sinabing “Alyas Linda for Halloween 2019.”

(Photo: Shy Ongoco Toribio Facebook)

Humingi ng paumanhin si Shy sa anak dahil wala umano siyang pambili ng costume.




Matatandaang kamakailan lamang ay gumimbal sa publiko ang isyu sa pagitan ni Alyas “Linda” at ang inakusahan nitong si Tatay Alex ng panghihipo sa isang sasakyan, kung saan binugbog ang biktima ng pamilya ng nag-akusa.

MAGKASINTAHANG DUGUAN
Mag-iiwan naman ng tanong sa karamihan ang larawan ito ng babae’t lalaki na magkahawak pa ng kamay at parehong duguan.

Sa ibinahaging post ng Patama Lines, sinabi nitong, “RIP kung di mo gets!!”

(Photo: Patama Lines Facebook)

HALF BODY COSTUME
Sa ibinahagi namang video ni Krystel Hwang, makikita ang kalahating katawan ng babaeng tila bitbit ng isang nakakatakot na imaheng may hawak pang kutsilyo.

HALLOWEEN COSTUME HOLDING UP A MAN
Mapapanood sa video na ibinahagi ng It’s Gone Viral ang lalaking mukhang nakainom na bitbit ng isang maliit na tila isang duwende sa loob ng isang train.

Marami ang namangha dahil mukhang makakatohanan ang lalaking umaarteng lasing sa video.

‘JUDITH’ COSTUME
Marami rin ang natuwa sa larawan ng batang ito na ibinahagi ng facebook user na si Nexil Palabrica, kung saan makikita ang nakasabit na water at electric bill sa likuran ng batang lalaki.

(Photo: Nelix Palabrica Facebook)

Sa caption nito, sinabi niyang, “Grabe ‘yung costume nung batang to, nakakatakot talaga…” JUDITH”.

Marami ang natuwa sa larawan dahil para sa mga matatanda, tunay na nakakakilabot nga ang pagdarating ni Judith.

FREAKY CLOWN COSTUME OF MARIA LETIZIA DANTES
Hindi rin nagpahuli ang anak ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Maria Letizia Dantes sa kanyang Freaky clown costume na gawa sa recycled materials.

Kitang-kita ang ganda ni Baby Zia sa kanyang makulay na kasuotan sa ibinahaging larawan ni Marian sa kanyang instagram account.

Facebook Comments