Tungkulin at Tiwalang Ibinigay ng mga Botante sa mga Nahalal na Opisyal ng Barangay, Dapat Panindigan Ayon kay Senator Gatchalian!

Cauayan City, Isabela – Dapat lamang na panindigan ang tungkulin at tiwalang ibinigay ng mga botante sa mga nahalal na opisyal ng barangay.

Ito ang naging laman ng mensahe ni Senator Win Gatchalian bilang isa sa panauhin kahapon sa naganap na panunumpa ng mga bagong opisyal ng Barangay at SK dito sa lungsod ng Cauayan na ginanap sa F.L. DY Colesuem.

Aniya maraming responsibilidad ang ibinigay sa mga barangay officials tulad ng pagpapanatili ng Peace and Order, Anti-Drugs, Gender Development at pagsulong sa edukasyon.


Nabangit din ni Senator Win Gatchalian ang dahilan kung bakit ipinagpatuloy na ang Barangay Election ay dahil umano sa halos kalahati o 40% ng barangay officials ay sangkot sa droga.

Nararapat lang umano na ibigay sa taong bayan ang kapangyarihan na pumili ng mga tamang tao na maglingkod bayan at iyon ay sa pamamagitan ng naganap na Barangay at SK Election.

Facebook Comments