Tunneling equipment para sa Kaliwa Dam project, darating na sa Pilipinas sa Nobyembre

Darating na sa Pilipinas ngayong Nobyembre ang tunneling equipment para sa kontruksyon ng mala-kontrobersiyal na Kaliwa Dam project.

Ayon kay Jose Dorado Jr., Deputy Administrator for Engineering and Technical Operations Group ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), gagamitin ang tunneling equipment para sa paghuhukay ng dam.

Pero paglilinaw ni Dorado, hindi pa matiyak ang takdang araw ng kontruksiyon dahil sa nabigong negosasyon sa pagitan ng mga indigenous people na apektado ng proyekto.


Ang Kaliwa Dam project ay pinondohan ng China na aabot sa P12.2-billion.

Nasa 400 indibidwal mula sa 55 barangay ang apektado ng proyekto na matatagpuan sa General Nakar sa Quezon Province.

Facebook Comments