Umaasa ang Malacañang na muling makakabawi ang turismo ng Pilipinas matapos payagang makapasok ang mga bakunadong dayuhan simula sa February 16, 2022.
Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, bukod sa turismo, sisigla rin ang ekonomiya dahil magkakaroon muli ng hanapbuhay ang maraming Pilipino na naapektuhan ng pandemya.
Malaking bagay aniya na magbukas na ang turismo sa bansa para makabalik sa trabaho ang maraming tourism workers na naapektuhan dahil sa COVID-19 pandemic.
Kasabay nito, nanawagan si Nograles sa mga lokal na pamahalaan na gustong magbukas ng kanilang turismo na tiyaking kumpleto na sa bakuna ang kanilang constituent para masiguro ang proteksyon laban sa COVID-19.
Facebook Comments