TURISMO | Renewed commitment sa pagitan ng Pilipinas at pinakamalaking Japanese travel association, maganda ang impact sa bansa – DOT

Manila, Philippines – Kasunod ng pagri- renew ng Japan Association of Travel Agents o JATA, sa commitment nito sa ating Department of Tourism, positibo ngayong sinabi ni Tourism Secretary Wanda Teo na mas tataas pa ang Japanese tourist arrivals ngayong taon.

Ayon sa kalihim, noong 2016, kung kailan unang i-prinomote ng JATA ang Cebu, halos kalahating milyong mga Japanese ang nagtungo sa bansa para bisitahin ang mga beach, diving sites at country side partikular na ang Cebu.

Ayon sa kalihim, sa bagong commitmen ng JATA sa bansa, pumayag ito na i- market o i- promote ang iba pang tourist destinations sa Pilipinas.


Facebook Comments