Turismo sa bansa, hindi apektado ng banta ng Abu Sayyaf

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na hindi maaapektuhan ang tourist arrivals ng Pilipinas sa harap ng banta ng terorismo sa bansa matapos ang insidente sa Bohol matapos itong lusubin ng Bandidong Grupong Abu-sayyaf.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sa harap ng insidente sa Bohol ay naituloy naman ang ASEAN Related Meeting sa Panglao, Bohol dahil patuloy naman ang ginagawang pagbabantay ng mga security forces ng pamahalaan.

Matatandaan na nagpahayag ng kanilang pangamba ang ilang travel agencies sa nangyari sa Bohol dahil possible umano itong makaapekto sa mga tourist arrivals sa bansa.


Sinabi din naman ni Abella na hindi naman kontrolado ng Pamahalaan ang inilalabas na travel advisories ng ibang bansa pero sa kabila aniya nito ay naniniwala siyang tumataas pa rin ang bilang ng mga dumarating na turista sa bansa.

Facebook Comments