Barkong pandigma ng Russia, dumaong sa Maynila para sa goodwill visit sa bansa

54

Manila, Philippines – Dumaong kaninang umaga ang barkong pandigma ng Russia sa Pier 15, South Harbor sa Maynila.

Ang Russian Pacific Fleet na Varyag ay isang guided missile cruiser at large sea tanker pechenga na armado ng anti-ship, anti-aircraft at anti-submarines missiles and gun systems.

Nabatid na apat na araw mananatili sa bansa ang nasabing barko para sa friendly visit.

Bahagi ito ng pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at ng bansang Russia gayundin upang isulong ang kapayapaan sa rehiyon.

Ang Varyag ang ikatlong barko na Slava-class na ginawa para sa soviet navy na ngayon ay nagsisilbi sa Russian navy.

Matatandaang noong Enero, dalawang barkong pandigma ng Russia ang dumating sa bansa para sa limang araw na goodwill visit.

Facebook Comments