TURISMO SA LA UNION, BUBUKSAN NA NGAYONG ARAW

Matapos ang higit isang buwan na pagkakasara ng mga tourism sites sa probinsya ng La Union bunsod ng pagtaas ng aktibong kaso ng COVID-19 dito, inanunsyo ng provincial government na bubuksan na nila ang kanilang turismo ngayong araw, ika-22 ng Mayo.

Ayon sa inilabas na executive order No. 27, maari nang makapasok ang mga turista mula sa luzon sa probinsya at makapamasyal dito.

Kinakailangan pa rin ang negatibong resulta ng RT-PCR test sa loob ng 72 hours o tatlong bago dumating sa probinsiya.


Dapat umanong mag-apply ng travel request mula sa Tara Na Visita System ng iyong biyahe limang araw bago ang pagpunta dito.

Kung maaprubahan ang pagbyahe kailangan ipakita ang QR Coded tourist pass sa mga checkpoints.

Nauna nang nagpulong ang kinatawan ng probinsya para sa mga alituntunin na ipatutupad ngayong araw bilang hakbang sa pagbangon ng ekonomiya ng La Union mula sa pandemya.

Bagamat bukas na ang turismo dito patuloy pa rin ang paalala sa pagsunod sa minimum health standards.

Facebook Comments