Manila, Philippines – Aminado ang Department of Tourism na apektado ng nangyayaring gulo ngayon sa Marawi City ang turismo sa Mindanao.
Sinabi mismo ito sa DZXL-RMN ni DOT Asec. Ricky Alegre.
Pero aniya, tiwala ang DOT na agad ding maibabalik ang sigla ng turismo sa rehiyon.
Ayon pa kay Alegre, bagama’t may mga turistang nagkakansela ng kanilang biyahe papuntang pilipinas ay mayroon din namang nagpapa-rebook.
Katunayan, tumaas pa nga aniya ng 11.4 percent ang dagsa ng turista sa bansa sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon.
Nangunguna pa rin ang mga turista mula South Korea na sinundan ng U.S. at China.
Facebook Comments