TURISMO | Tourist arrival sa bansa noong 2017, tumaas!

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ang pagtaas ng tourist arrival sa bansa sa nakalipas na taon.

Bunga nito, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na umabot ng P4.75 Billion ang kinita ng ahensya sa taong 2017.

Ito aniya ay mas mataas naitalang kita ng BI noong 2016 na P3.86 billion.


Ayon sa BI, nakapagpataas din sa kita ng ahensya ang pagdami ng multinational companies na nag-ooperate sa Pilipinas.

Magugunitang nitong 2017, idinaos sa Pilipinas ang Miss Universe beauty pageant at ang Association of the Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Facebook Comments