LA UNION – Pinapayagan na ng probinsya ng La Union ang pagpasok ng mga turistang manggagaling sa National Capital Region alinsunod pa rin sa kondisyon na inilabas ng Department of Tourism Advisory No. 13 o ang operational guidelines para sa mga aktibidad na mayroong kinalaman sa turismo sa implementasyon ng Alert Level System.
Ang NCR ay kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 4 at base sa guidelines na inilabas ng otoridad, hindi papayagan ang pagpasok ng indibidwal edad 18 pababa at 65 pataas, may sakit at buntis sa probinsya ng La Union.
Kailangang magpakita sa border control points ng QR code mula sa Tara Na Visita App, Negatibong Resulta ng RT-PCR Test na inilabas tatlong araw bago ang pagdating sa probinsiya, booking confirmation mula sa travel agency at valid government ID.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bagamat binuksan ang probinsiya sa mga turista mahigpit pa ring ipatutupad ang health protocols at ang inilabas na guidelines upang maprotektahan ang mga residente nito laban sa COVID-19.