Turista, na-ospital matapos mahampas ng buntot ng butanding

Unsplash

Isinugod sa ospital ang isang snorkeler sa Australia matapos tamaan ng buntot ng whale shark o butanding.

Lumalangoy ang 29-anyos biktima malapit sa Ningaloo Reef nang mangyari ang insidente noong Lunes, sa ulat ng Nine News Perth.

Ayon sa tour operator, lumangoy ang butanding malapit sa grupo ng turista upang pumagitna at protektahan ang kasama nitong guya o anak.


Habang dumidipensa ang butanding sa pamamagitan ng pagsampal ng palikpik at buntot nito, sa kasamaang palad ay tinamaan ang isa sa mga turista.

Napuruhan sa tadyang ang babae, na naiulat na nasa “serious but stable” na kondisyon.

Popular ang naturang lugar sa mga nais lumangoy nang malapitan sa humpback whales.

Gayunpaman, ipinapaalala sa mga turista ang pagpapanatili ng distansyang 30 meters o 100 talampakan mula sa mga hayop.

Iniimbestigahan na ang insidente sa pakikipagtulungan sa kinauukulan at sa tour operator.

Facebook Comments