Turkish terrorist, nasa Pilipinas na – ayon sa intel report ng PNP

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa na mayroon na silang intelligence report na nasa Pilipinas na ang teroristang Fetulla Gulen Movement, ang teroristang grupo na nakabase sa Turkey.

Ayon kay Dela Rosa, halos lahat ng jihadist ay gustong tumungo sa Syria at Iraq at walang ibang maaring mapagdaanan kundi ang Turkey.

Pero sinabi ni Dela Rosa na isinara na ng Turkey ang kanilang border kung kaya ang naging utos umano ng ISIS leaders ay magtungo na lamang sa southern Philippines.


Aniya ang bawat jihadist na hindi makapupunta sa Iraq at Syria ay inutusan na magtungo na lamang sa Pilipinas.

Una rito, ibinunyag ni Turkish Ambassador to the Philippines Esra Cankorur na nasa Pilipinas na umano ang kanilang teroristang grupo at nakabase sa Zamboanga at nagpapanggap na civic education institutions at charity organizations.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments