Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na patuloy ang ginagawang beripikasyon ng mga otoridad sa naging pahayag ni Turkish Ambassador to the Philippines Esra Cankorur na mayroong mga Turkish terrorist sa bansa.
Matatandaan na sinabi ng Turkish Ambassador na kabilang ang Pilipinas sa 50 bansa na mayroong koneksyon ang Fetullah Gulen Movement na itinuturing na terrorist group ng Turkey.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, iimbestigahan ng Pamahalaan ang lahat ng mga organisasyon na posibleng nagkakanlong sa mga terorista at pananagutin ang mga ito.
Binigyang diin din ni Abella na nakikipagugnayan ang Pamahalaan sa iba pang mga bansa para labanan ang terorismo na siya namang banta sa seguridad na dapat labanan sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga bansa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Turkish terrorist sa bansa iniimbestigahan na ng Pamahalan ayon sa Malacañang
Facebook Comments