Turnout ng Palawan Plebiscite sa ilang voting centers, mababa sa 50%- Namfrel

Umabot lamang sa halos 50% ang voters’ turnout sa ilang polling centers sa ginanap na March 13 Palawan Plebiscite.

Sa statement ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel), hindi umabot sa kahalati ang turnout ng mga bumoto sa ilang voting centers kumpara sa turnout ng regular elections.

Pero may ilang voting centers ang nakapagtala ng nasa 70% turnout.


Naging maayos ang isinagawang plebisito at walang naging problema at aberya.

Mahigpit ding ipinatupad ang COVID-19 protocols ng Commission on Elections (COMELEC).

Nangako ang Namfrel na babantayan ang canvassing process sa municipal at provincial levels.

Facebook Comments