TURUAN? | Mga mahistrado ng Korte Suprema, may pagkukulang sa matagal na release ng survivorship at retirement benefits ng mga justices, judges at spouses ng mga ito

Manila, Philippines – Itinuturo ngayon sa mga mahistrado ang mabagal na proseso sa pag-aaral sa claims ng binuong Special Committee on Survivorship and Retirement Benefits para sa claims ng mga retiradong Justices at Judges at mga naiwang asawa ng mga yumaong mahistrado.

Lumalabas sa pagdinig ng probable cause ng impeachment complaint laban kay SC CJ Maria Lourdes Sereno na hindi lang pala ang Punong Mahistrado ang dapat sisihin sa mabagal na release ng retirements at survivorship claims.

Ayon kay SC Associate Justice Mariano del Castillo, ‘unusual’ para sa komite na tumagal ng dalawang taon ang pag-aaral sa isyu.


Sinabi nito na hindi lamang si Sereno ang dapat na sisihin dahil ang mga mahistrado na miyembro ng en banc ay hindi man lang kinuwestyon ang mabagal na pag-aaral sa retirements at benefits.

Aniya, kung may inihain sanang oposisyon ang ibang justices ay mas mapapabilis ang pag-aaral.

Dagdag pa ni Del Castillo, pwede namang pag-aralan ng mga Justices ang tungkol sa survivorship at retirement benefits lalo pa’t may access naman ang justices in charge sa rollo ng mga naihaing kaso tungkol dito.

Facebook Comments