Tuta, namatay sa ‘atake sa puso dahil sa mga paputok’

PHOTO: Facebook/Susan Paterson

Isang aso ang nasawi matapos umanong atakihin sa puso dahil sa malalakas na paputok sa United Kingdom, ayon sa amo nito.

Ibinahagi ni Susan Paterson ang nangyari sa kanyang black terrier na si Molly sa “Wombwell wise”, Facebook group para sa mga residente ng Wombwell, South Yorkshire.

“Due to the enormous amount of fireworks with loud bangs going off around Wombwell and lower Darfield last night, we lost a young terrier with a heart attack,” saad ni Paterson sa post kaakibat ng mga litrato ng alaga.


“Please think of the animals. Molly was only 18 weeks old and died of FRIGHT caused by fireworks,” dagdag niya.

Umapela rin siya sa grupo na makiisa sa petisyong nanawagan sa gobyerno na repasuhin ang batas kaugnay ng paggamit ng paputok sa bansa.

Ayon sa petisyon na nakalikom na ng halos 500,000, nagdudulot ng matinding pagkabalisa sa mga hayop ang mga paputok.

“They don’t only suffer psychologically, but also physically as many attempt to run away from, or hide from, the bangs.”

Inaaral naman na ng Members of Parliament (MPs) ang pagbabawal sa pagbebenta ng mga paputok at patuloy na rin umanong kumakalap ng mga ebidensyang posibleng magpabago ng batas, ayon sa ulat ng The Independent.

Facebook Comments