Manila, Philippines – Hindi dapat payagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang nais ng Maynilad na ipasa ang kanilang corporate income tax sa mga consumers.
Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan o Bayan hindi makatarungang ipasa ito sa pamamagitan ng pagtataas singil sa tubig.
Sa tantya ng Bayan aabot sa P40 bilyon ang kabuuang corporate income tax na gustong mabawi ng Maynilad sa mga consumers nito.
Maaari anilang umabot sa dagdag na P5.00/cubic meter na water rate hike ang dagdag singil sa tubig kapag ipinasa sa consumers ang corporate income tax.
Giit pa ng grupo dapat resulbahin muna ng MWSS at Maynilad ang kanilang dispute o di pagkakaunawaan bago magpatupad ng anumang water rate hike.
Facebook Comments