TUTOL | DOJ, umapela sa pagpayag ng Makati RTC na makapag-abroad si Trillanes

Manila, Philippines – Ini-apela ng DOJ ang naging desisyon ni Makati City Regional Trial Court Branch 150 Judge Elmo Alameda na payagan si Senador Antonio Trillanes IV na bumiyahe abroad.

Sa kanilang motion for reconsideration, nanindigan ang DOJ na hindi dapat mapayagang makabiyahe palabas ng bansa ang senador dahil sa pagiging flight risk nito.

Ipinunto pa ng DOJ ang isang jurisprudence o kasong nadesisyunan na ng Korte Suprema kung saan hindi pinagbigyan na makabiyahe ang isang flight risk.


Kaugnay nito, nagtakda si Judge Alameda ng pagdinig sa mosyon ni Trillanes na makabiyahe abroad sa Biyernes, December 7, 2018.

Sa mosyon si Trillanes, hiniling nito na makabiyahe sa Europa sa December 11 hanggang January 11, 2019 at sa Amerika sa January 27, 2019 hanggang February 10, 2019 kapag nakapaglagak siya ng 200,000 pesos na travel bond bago bumiyahe.

Facebook Comments